Sorry, but this blog ends here..
..and begins again when you click below.

May problema ako sa blog ko. Apparently, may limit din ang pag upload ng pictures - upto 1GB worth lang sa buong buhay mo sa blog mo. At syempre, dahil talo pa ng blog ko ang dami ng pics sa inaalikabok nyong mga photo album sa sala, ay meet ko na ang limit. Pag binura ko ang mga pictures para mag free ng space ay bura ang pictures sa mga dati kong post. Eh anong sense? Kaya nga ako sulat ng sulat at post ng post ng pictures ay kung sakali mang mag ka Alzheimers ako ay o-open ko lang ang blog ko at ayan, ma re-reminisce ko na ang aking kaartehan. Isa lang ang naiisip kong paraan. Gumawa ng second blog...continuation lang ng Say moonchild.

Di ko pa tapos upload ang pics namin from our weekend at Anawangin dahil ang daming pictures. 400 plus! Konti no? :) Kaya habang nag u-up load ako, eto muna ang post ko. Last Friday ay may hero chuva sa office namin, kailangan per team may representative na naka hero costume. Ang aming representative ay si Carl - at sya ay dressed as Krystala! At original costume daw ni Krystala yan sabi ni Carl..marami kasi syang contacts sa showbiz world. Isa na ako doon.

Ako at si Krystala

Krystala and Van

Tip kay Krystala na ngumanga para mas girl looking
Ako ang gumawa ng bangles at boots ni Krystala - tumatangap ako ng orders :)
Ang true crush ni Krystala
..at syempre ang kanyang true love

At syempre nakisali ako at nakialam sa mga wig na dala nila..mukha akong emo na di naliligo :)

Sayang nga lang at di nanalo ang team namin. Ang nanalo ba naman ay naka costume ng Joker at Catwoman. At to think dress up as heroes ang contest. Hmmm! Insecure lang sila. At least para sa amin winner pa rin si Krystala.

Post lang ng pics taken from my new celly. Saya talaga ng cam neto.

Me and the ever pregnant Che

Moi and Carl..magkasing tangkad kami kuno pero halata pa rin sa laki ng katawan ko.

Dapat siguro Gulliver na lang pangalan ko no?

Moi and Joan

Moi and Rhence - the manyakol look
At syempre, pinag tripan namin ang frames..

Rhence a.k.a. Bunny na inaduken sa pwet

Che a.k.a. stressed out secretary

ZaiZai a.k.a. Balbas Presley

Moi and Kim

Moi and Van - kunwari ako daw si Marlou at sobrang tangkad kuno

Pretty fans ko

Punta na ako kina BooBoo na walang pasok dahil naka VL

Aha! Antuken! Belat!

Di nakaligtas.. BooBoo a.k.a. Bunny with shiny cheeks

Nakuha ko na ang aking new phone! 13 sweldos to pay :) Very happy ako about it dahil ang ganda ng camera at ang cute ng metal keys. At! Very unique dahil ang color nya ay Noble Blue.

Tyanan! Di yan yung akin, grinab ko lang yan - pero ganyan yung akin peksman!
Mga pics..

Zai asim mukha at BooBoo

Di ko pa ayos ang settings for indoor pics kaya medyo malabo pa..eto ang extended family namin..

Kuchirange and her kitty, named Kitty

Chiyo

Tamang tama ang dating ng aking celly! Gandang pang picture sa aming upcoming Anawangin trip! :)

Sabado na sa wakas at off na namin ni BooBoo! Nagtampuhan pa kami kaninang umaga (drama segment lang, kailangan sa buhay paminsan minsan - pero bati na kami) kaya sumama ako sa aking new office friends na sina Che at Rhenz. Punta kami ng Sta. Lu at bili memory card ni Rhenz. Ingit ako chempers kasi ako wala pa yung order ko na phone. Anyways, enjoy ang aming trip to the mall, ikot ikot tapos kain kain. Uwi ako sa bahay na antok na antok na at borlog agad... Pagising, may habol na tampuhan portion tapos nag bati din kami eventually. Dapat ay pupunta kami sa birthday ng friend ni BooBoo na si Hirah pero di kami natuloy. Dinala ko na lang sya sa Seisha Coffee at nilibre ko ng coffee at ang ever sarap na cakes. Pramis pag nawalan ako ng trabaho, mag aapply ako sa Seisha Coffee at kahit cake lang pasweldo sa akin ay okay na ako. Mag OT pa ako kun gusto nila.

Zai Zai reporting

First Time

Ka 23rd Monthsary lang namin :)

Happy Meal

Cutie

Tapos ng aming very remarkable meal ay punta kami ng Shopwise at namili ng pang spaghetti. Nagluto ang inyong lingkod ng pasta!

Yes, my eggs are X-Large

BooBoo, yours are more of a large, not medium

Bili ng keso - suriin mabuti baka may melamin

Maaga pa para sa keso de bola

Pero it's never too early for some of dizzzz!! :)

Uwi after the grocery scene at ako ay nagluto ng pasta. Well received naman kaya proud ako. After ng kainan at dighayan portion (okay may ututan portion din) ay punta na kami ni BooBoo, this time with Ge to Ynares!

Macho Papa

Edit ko daw sabi ni BooBoo dahil may unflattering kuha ng tummy - ayan ang kinalabasan :)

Lambingan sa tapat ng Acop Clinic

Konyotic

Sa Ynares, sakay ang dalawa sa rides. Di ako makasakay, sobrang hiluhin ako e. Mas mahiluhin pa ako sa taong sobrang mahiluhin. Gets?

Bonding ng Kuya Eric at Ge

Tagal naman ng car

Posing with toys

Nainis si Hulk

Bili si Ge pang gift sa prospect na gf ( yes!! )

Nakabili ako muli ng Totoro item!

Wawang Tuta

Igno

With Blur Effect

Pabahing na si BooBoo kaya ganyan ang anyo

Nadiscover ni Ge ang secret

Taya sa Perya

Favorite Game namin - pang sosyal yan

Nanalo kami ng 3 Nestea! Kaya lang! Expired na pala! Buti na check ni BooBoo. Pinapalitan namin ng pinyapol juice.

Ang may ari

Uwian na!

Enjoy ang day na to. Very happy na ayos kami ni BooBoo at nakapag bonding kami with Ge. Tapos dumating na ang order kong phone na kukunin ko na bukas! Yey! I hope everyone has a good weekend as well!


 

Blogger Templates. Sponsored by Link Page Report Card